Balita

PNP sa PDEA: Walang oversupply ng shabu

- Ni AARON B. RECUENCO

Pinabulaan­an kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang isiniwalat ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) na mayroong oversupply ng ilegal na droga sa bansa, na nagbunsod sa malaking pagbaba ng presyo ng shabu.

Kasabay ng pagbanggit sa kanilang arawang operasyon bilang basehan, sinabi ni Albayalde na nananatili pa rin ang dami at presyo ng ilegal na drogang nakukumpis­ka ng pulisya.

“I cannot second guess the PDEA on how they obtained that statistics. As per experience, we do not know, we cannot validate it as of this time if the price indeed decreased or there is an overflow of supply of drugs especially here in Metro Manila,” ani Albayalde.

Una nang napaulat ang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na mayroong oversupply ng shabu, dahilan upang mabawasan ang presyo nito, lalo na sa Metro Manila.

Ginamit na basehan ni Aquino ang matatagump­ay na operasyon ng PDEA sa nakalipas na mga araw.

Ngunit para kay Albayalde, hindi PDEA o pulisya ang makatutuko­y kung bumaba nga ang presyo ng shabu sa bansa, kundi tanging Dangerous Drugs Board (DDB) lang.

Sa panig ng PNP, ibinahagi ni Albayalde na walang natatangga­p na ulat ang pulisya hinggil sa oversupply at pagbaba ng presyo ng shabu.

“Based on our efforts on the streets, it is still the same. We do not have informatio­n that the price of shabu was reduced,” saad ni Albayalde.

Iniuugnay naman ang naging pahayag ng PDEA sa malaking halaga ng shabu na nakalusot sa bansa mula sa apat na magnetic lifters na nadiskubre sa Cavite ilang buwan na ang nakalipas.

Sakaling totoo ang pahayag ng PDEA, sinabi ni Albayalde na tungkulin nilang marekober ang lahat ng ito at tugisin ang sinumang nagpuslit at nagpakalat nito.

Pinagtatal­unan ngayon ng mga opisyal ng PDEA at ng Bureau of Customs ang umano’y nawawalang P6.8 bilyong halaga ng shabu, kung saan iginigiit ng una na may shabu ang natagpuang magnetic lifter sa Cavite, na mariin namang itinatangg­i ng Customs.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines