Balita

Fare hike, puwedeng pigilan

- Beth Camia

Pinayuhan ng Malacañang ang mga pasahero na maghain ng motion for reconsider­ation para mapigilan ang pagtataas ng pasahe sa mga pampubliko­ng sasakyan, na nakatakdan­g ipatupad sa susunod na buwan.

Idinahilan ni Chief Presidenti­al Legal Counsel at Presidenti­al Spokesman Secretary Salvador Panelo na dati nang nagbigay ng rekomendas­yon ang National Economic Developmen­t Authority (NEDA) sa Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) na huwag munang aprubahan ang hiling na dagdag-pasahe, pero hindi ito pinakingga­n ng huli.

Maaari naman aniyang gumawa ng hakbangin ang mga tumututol sa taaspasahe, sa pamamagita­n paghahain ng mosyon sa LTFRB.

Aniya, nauna nang nagpaliwan­ag ang LTFRB sa usapin ay nilinaw ng ahensiya na binalanse nito ang argumento ng mga operator ng mga pampubliko­ng sasakyan at mga pasahero.

Depensa pa ng LTFRB, magiging maliit lang ang epekto ng fare hike sa inflation ng bansa.

Sa ngayon, aabot na sa P10 ang minimum fare sa jeep, at aabot naman sa P13 ang minimum na pasahe sa bus, ayon sa inaprubaha­ng fare hike ng LTFRB.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines