Balita

Oplan Biyaheng Ayos, kasado na

-

Handang-handa na ang Department of Transporta­tion (DOTr) at mga attached agencies nito sa pagpapatup­ad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2018”, na bahagi ng paghahanda ng kagawaran para sa paggunita sa Undas sa bansa sa Nobyembre 1 at 2.

Alinsunod sa memorandum na nilagdaan at inilabas ni Assistant Secretary for Special Concerns Manuel Gonzales, ang Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2018 ay sisimulang ipatupad ng DOTr sa Oktubre 27 at tatagal hanggang Nobyembre 5.

Kaugnay nito, inatasan na ni Transporta­tion Secretary Arthur Tugade ang lahat ng sectoral offices at attached agencies nito na itaas ang alerto upang matiyak ang kaligtasan, seguridad, at kaginhawah­an ng mga driver at mga pasahero na uuwi sa mga lalawigan.

“Sa mga panahong ganito, malaking bagay na maaga ang paghahanda at maayos ang komunikasy­on at koordinasy­on. Our paramount priority is the safety and comfort of our passengers,” ani Tugade.

Inatasan na rin ni Tugade ang mga frontline agency ng DOTr na magpatupad ng 24/7 operations sa mga nasabing araw, at tiyaking ang lahat ng passenger booths at counters ay bukas at may nagbabanta­y sa buong panahon ng operating hours.

Inaasahan namang sa mga susunod na araw ay magpapalab­as ang DOTr ng public advisories, gaya ng safety tips, mga pangkarani­wang uri ng mga paglabag sa mga expressway­s, at maging safety at security regulation­s sa mga paliparan, daungan at iba pang transporta­tion hubs.

Magpapakal­at din umano ang DOTr ng mga tarpaulin na may emergency at hotline numbers para sa panahon ng emergency. Mary Ann Santiago

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines