Balita

Train crash na ikinamatay ng 18, iniimbesti­gahan

-

YILAN (AFP) – Iniutos kahapon ni Taiwanese President Tsai Ing-wen ang mabilis na imbestigas­yon sa pagkadiska­ril ng isang express train na ikinamatay ng 18 katao, ang pinakamadu­gong rail accident sa isla sa loob ng 27 taon.

Ang crash sa sikat na east coast line nitong Linggo, tumawid sa riles ang Puyuma Express train at tumaob, ay ikinasugat din ng 187 katao.

Ilang pasahero pa ang hindi nakikita kahapon at patuloy ang paghahanap sa accident site sa hilagang silangang bayan ng Yilan. Ibinalik na ang kalahati ng serbisyo ng tren, gamit ang northbound track.

Dumating si President Tsai kahapon ng umaga sa Xinma station, kung saan nadiskaril ang tren.

‘’Everyone is concerned about the cause of the incident and I’ve asked prosecutor­s to clarify the situation... and the cause soon,’’ aniya sa reporters.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines