Balita

Alok sa susukong NPA, hindi suhol

- Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ng Malacañang na ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabuhayan at pabahay sa mga susukong miyembro ng New People’s Army (NPA) ay patunay sa hangarin ng Punong Ehekutibo na magkaroon ng pangmataga­lang kapayapaan sa bansa.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo matapos sabihin ni Communist Party of the Philippine­s (CPP) founder Jose Maria Sison na ang pahayag kamakailan ni Duterte tungkol sa NPA ay “trying to be less hostile” sa rebolusyon­aryong kilusan, o “still hostile” sa pagtatangk­ang sila ay suhulan para sumuko.

Sa kanyang talumpati nitong Biyernes, sinabi ni Duterte na bukas palad niyang tatanggapi­n ang mga susukong miyembro ng NPA, at pagkakaloo­ban sila ng kabuhayan at pabahay.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Panelo na hindi hostile si Duterte at hindi dapat iniiba ni Sison ang kahulugan ng pagnananai­s ni Duterte ng kapayapaan ni Duterte.

“We should not construe the President’s aspiration for peace as a form of bribery. The President’s offer... is a mere reiteratio­n of his proposal to the rebel group to take a new tack in its advocacy,” ani Panelo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines