Balita

Bahay ng cardinal nilusob, 1 patay

-

MEXICO CITY (Reuters) – Patay ang isang bodyguard sa barilang naganap sa bahay ng isang Katolikong cardinal sa Mexico City nitong Linggo, ayon sa mga awtoridad, ngunit hindi pa mabatid ang motibo ng lumusob na armado.

Si Cardinal Norberto Rivera, 76, retired archbishop ng kabisera at maimpluwen­siyang tao sa simbahan, ay nasa loob ng kanyang bahay nang mangyari ang armadong paglusob ngunit hindi nasaktan.

Sumiklab ang barilan nang lumapit ng isang lalaki na nakaunipor­me ng militar para maghatid ng package, ayon sa city prosecutor. Pinagbabar­il nito ang guwardiya sa entrance ngunit umurong nang gumanti ang iba pang guwardiya.

Namatay ang napuruhang guwardiya habang dinadala sa ospital.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines