Balita

Bibiyahe sa Undas, maging maagap

- Beth Camia

Planuhin nang maaga ang bakasyon para sa Undas. Ito ang panawagan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko.

Inabisuhan ng PCG ang mga sasakay ng barko na maagang magtungo sa mga pantalan para hindi maabala sa mahigpit na security measures ng mga awtoridad.

Sinabi ni PCG spokespers­on Cmdr. Armand Balilo na bukod sa mga ipinagbaba­wal na bagay, mahigpit din nilang bubusisiin ang mga bagahe laban sa ilegal na droga.

Nanawagan din si Balilo sa mga pasahero na maging mapagmatya­g sa paligid at ipagbigay-alam kaagad sa kinauukula­n kung may napansin silang kahina-hinalang kilos o bagay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines