Balita

40,000 OFWs sa Balik ‘Pinas program

-

Ipinagmala­ki ng Overseas Workers Welfare Administra­tion (OWWA) na tumaas ng 250 porsiyento ang benepisyar­yo ng Balik Pilipinas, Balik Hanapbuhay program ng pamahalaan ngayong taon.

Ayon kay OWWA Administra­tor Hans Leo Cacdac, umaabot sa 40,000 distressed OFWs ang natulungan ng programa. Sa record ng OWWA, mayroong 3,600 OFWs ang nakinabang sa programa noong 2016, at 20,000 noong 2017.

Target ng Balik Pilipinas, Balik Hanapbuhay program ang OFWs na gustong makapagneg­osyo sa kanilang paguwi sa Pilipinas. Tatanggap sila ng P10,000 hanggang P20,000 bilang puhunan

Nilinaw ni Cacdac na distressed OFWs lang ang kuwalipika­do sa programa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines