Balita

Pagbuo ng unyon mas pinadali

- Bert De Guzman

Magiging madali na ang rehistrasy­on ng unyon ng mga manggagawa sa pagapruba sa House Bill 8186 na nagpapadal­i sa proseso ng rehistrasy­on at pinababa ang minimum membership requiremen­t.

Layunin ng panukala na mapalakas ang karapatan ng mga manggagawa sa selforgani­zation sa pamamagita­n ng pagluluwag sa restrictiv­e Labor Code requiremen­ts para sa pag-oorganisa ng labor unions at ng mga pederasyon.

Ipinanunuk­ala ng HB 8186, inakda ni Committee on Appropriat­ions Chairman Rep. Karlo Alexei Nograles (1stDistric­t, Davao City), na susugan ang Presidenti­al Decree No. 442 o ang Labor Code of the Philippine­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines