Balita

Mag-iisda, tinepok ng holdaper

- Orly L. Barcala

Patay ang isang fish vendor nang pagbabaril­in siya ng nangholdap sa kanya nang tumanggi siyang ibigay dito ang kanyang puhunan, kahapon ng madaling araw, sa Malabon City.

Naisugod pa sa Tondo Medical Center si Gerardo Yamogan, 54, ng Paradise Village, Barangay Tonsuya, Malabon pero binawian din ng buhay dahil sa mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inilarawan ng lalaking witness ang suspek na nakasuot ng maong pants, pink na t-shirt, naka-jacket na maong, may taas na 5’6”, at balingkini­tan.

Kuwento ng saksi, nangangala­kal siya ng basura sa lugar nang napansin niya si Yamogan na naglalakad sa Paradise Village sa Bgy. Tonsuya, at aktong hahango ng isda sa pondohan.

Sinabi ng saksi na biglang nilapitan ng lalaki ang biktima, tinutukan ng baril, at pilit na kinukuha ang dala nitong pera.

“Sa tingin ko ayaw ibigay nung victim ‘yung pera niya, tapos nakarinig na lang ako ng sunud-sunod na putok ng baril,” anang saksi.

Nakuha ng mga pulis sa crime scene ang limang fired cartridge ng .45 caliber pistol at limang bala ng nasabing baril.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines