Balita

Nagpulis-pulisan, huli sa checkpoint

- Orly L. Barcala

Kulong ang isang lalaking may negosyong buy-and-sell nang magpakilal­a siyang pulis matapos masita sa checkpoint sa Malabon City, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Arvin Busa, 24, ng Barangay Taniong, Malabon.

Sa ulat ng pulisya, bandang 3:00 ng hapon at sakay sa kanyang notorsiklo si Busa nang mapadaan sa harap ng gasolinaha­n sa panulukan ng Gen. Luna at Sacristia Streets sa Bgy. San Agustin.

Sakto namang may checkpoint sa lugar kaya pinara ng mga pulis ang suspek dahil wala itong suot na helmet.

Kinukuha ng mga pulis ang driver’s license ni Busa, pero tumanggi ito at nagsabi: “Pulis Crame ako!”

Dahil dun, hiningi ng mga pulis ang ID ng nagpakilal­ang pulis, subalit wala namang maiprisint­ang ID ang suspek kaya pinosasan siya.

Nang kapkapan ay nakumpiska umano sa beywang ni Busa ang isang pellet gun.

Nahaharap si Busa sa mga kasong usurpation of authority at illegal possession of firearms.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines