Balita

Leader ng drug group, timbog

- Mary Ann Santiago

Natimbog ng mga awtoridad ang itinuturon­g leader ng “Harold Certeza Drug Group” sa buy-bust operation sa Binangonan, Rizal, nitong Linggo.

Sa ulat ni Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Lou Frias Evangelist­a kay Police Regional Office (PRO)-3 Director Chief Supt. Edward Carranza, kinilala ang suspek na si Harold Certeza, alyas “Poging Baligtad”, 44, tricycle driver, ng Barangay Libis, Binangonan.

Si Certeza umano ang lider ng drug group na nag-o-operate sa Rizal, at pumapangal­awa sa Street List Target (SLT) drug personalit­y ng Binangonan.

Lumitaw rin sa beripikasy­on na mayroon ding nakabimbin­g warrant of arrest sa hukuman si Certeza dahil sa paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa ulat ng Binangonan Municipal Police, dakong 5:00 ng hapon nang isinagawa ng mga pulis ang buy-bust operation laban sa suspek sa naturang lugar.

Umaktong poseur buyer si SPO2 Walter Mercado, at kasama ang isang confidenti­al agent ay bumili umano ng isang pakete ng shabu mula sa suspek, sa halagang P1,000.

Nang magkaabuta­n ng kontraband­o at marked money, nagpakilal­ang pulis si Mercado at inaresto ang suspek.

Nakumpiska umano mula kay Certeza ang isang pouch na may walong pakete ng shabu, P6,900 cash, t ang P1,000 marked money.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines