Balita

2 ‘pusher’ utas sa shootout

- Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija - Dalawang umano’y tulak ng ipinagbaba­wal na gamot ang nasawi matapos umanong makipagbar­ilan sa mga pulis, habang dalawa pang kasamahan nila ang naaresto at isa ang nakatakas sa Purok 4, Barangay Sibul sa Talavera, Nueva Ecija, nitong Sabado ng hapon.

Sa ulat ni Supt. Joe Neil Rojo, Talavera Police chief, nakilala ang mga nasawi sa engkwentro na sina Narciso Fajardo Jr., driver, ng Bgy. Palagay, Cabanatuan City; at Alexander Babas Sr., ng Aliaga. Arestado naman sina June Aquino at Angelo Atencio, ng Purok

4, Bgy. Sibul, habang nakatakas ang isa pang alyas “Ude”.

Naaktuhan umano ang mga suspek sa pagbatak ng ilegal na droga sa loob mismo ng isang bahay sa lugar.

Lumaban umano ang dalawa habang inaaresto nang bentahan nila ng ilegal na droga ang mga pulis.

Kinumpirma pa ni Rojo na kabilang sina Aquino at Atencio sa drug watchlist ng pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines