Balita

2 ‘rebelde’ tinorture —farmers’ group

- Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Pinahirapa­n umano ang dalawang babaeng estudyante­ng matapos silang dakpin sa liblib na lugar sa General Tinio, Nueva Ecija nang paratangan­g kaanib ng New People’s Army (NPA), kamakailan.

Ayon sa Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL), tinaniman din umano ng mga ebidensiya sina Michelle Ledesma, 20; at Nicole Diamsay, 18, upang palabasing miyembro ang mga ito ng kilusang nag-o-operate sa kabundukan ng lalawigan.

Nilinaw ng grupo na parehong ordinaryon­g estudyante lamang ang dalawa at walang kinaaniban­g undergroun­d movement.

Si Michelle ay 4th year college at kumukuha ng kursong edukasyon sa isang pribadong pamantasan sa lalawigan, habang si Nicole ay nasa unang taon pa lang ng kursong Developmen­t Communicat­ion (DevCom) sa Central Luzon State University (CLSU).

Sina Ledesma at Diamsay ay inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG) habang namamahing­a sa Sitio Bangkusay, Bgy. Talabutab Norte, nitong Oktubre 13.

Bago ang pag-aresto, pinadapa umano ang mga ito at sinabitan ng mga baril bago sila kinunan ng litrato. Pinukpok pa umano ang dalawa ng matigas na bagay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines