Balita

Martial Law extension, OK sa PNP

- Martin A. Sadongdong

Susuportah­an ng Philippine National Police (PNP) ang pamahalaan kapag nanaisin nitong palawigin ang batas militar sa Mindanao.

Sa isang pulong balitaan, binanggit ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na wala siyang nakikitang masama kung ipag-uutos ni Pangulong Duterte ang pagpapalaw­ig pa muli sa batas militar sa rehiyon.

“If the government is inclined to extend the martial law in Mindanao, we will support it,” aniya.

Binanggit niya, maraming bagay ang isinaalang-alang ng Pangulo nang isailalim nito sa batas militar ang Mindanao noong nakaraang taon kasunod na rin ng Marawi siege incident.

Kabilang, aniya, rito ang plebisito para sa pagraratip­ika ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Enero 21, 2019. An plebisito ay mula Disyembre 7, 2018 hanggang Pebrero 5, 2019, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Binigyang-diin din niya na ang ipinaiiral ngayon na martial law sa Mindanao ay hindi katulad ng ipinatutup­ad dati ng namayapang diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos.

“Sa tingin ko, if only we want to maintain the peace and order and if only they want to have a peaceful plebiscite eh, mas maganda siguro kasi ‘yung martial law doon is not the same noong martial law during the Marcos time,” ayon pa kay Albayalde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines