Balita

Flight pa-Bora, ‘wag limitahan

- Jun Aguirre

BORACAY ISLAND, Malay, Aklan - Nanawagan kahapon sa Department of Tourism (DoT) ang grupo ng mga negosyante sa Boracay na huwag limitahan ang mga eroplanong nais bumiyahe patungong Kalibo Internatio­nal Airport (KIA).

Sa pahayag ni Compliant Associatio­n of Boracay (CAB) Vice President Boyet Sacdalan, sana ay bigyan ng pagkakatao­n ni DoT Secretary Berna Puyat ang Aklan upang maialok sa mga turista ang maraming tourism destinatio­n sa lugar.

Nauna nang inihayag ni Puyat na nakipagpul­ong na siya sa mga airline company na i-restrict ang mga pasaherong nais bumiyahe patungong Aklan, dahil may sinusunod na carrying capacity ang isla ng Boracay.

Maliban, aniya, sa white beach ng Boracay, may iba pang white beach na makikita sa lalawigan, kabilang na ang Jawili Beach sa Tangalan, at Hinugtan Beach sa bayan ng Buruanga.

Isa rin, aniya, sa maaaring maging resulta ng pagkontrol sa mga pasahero sa isang internatio­nal flight ay ang pagmamahal ng ticket ng airline companies.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines