Balita

3 sinumpak ng kainuman

- Leandro Alborote

TARLAC CITY - Huling naiulat na nasa bingit ng kamatayan ang tatlong lalaki nang sumpakin sila ng magkapatid na kanilang kainuman sa Tarlac City, kahapon ng madaling araw.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Fernando David, 56, may asawa; Orlando De Guzman, 55; at John Mark David, 29, pawang taga-Bgy. Cut-Cut 2nd ng nabanggit na lungsod.

Arestado naman ang mga suspek na sina Marvin David, 25, binata; at Boy David, 58, may asawa, parehong taga-Block 1, Cut-Cut 2nd.

Sinabi ni PO2 Jaime Gabriel Tayag na nag-iinuman umano ang mga biktima nang biglang nakipagtal­o ang mga ito sa dalawang suspek hanggang sa humantong sa pamamaril ng magkapatid, dakong 1:45 ng madaling araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines