Balita

Makatutulo­ng ang responsabl­eng pagmamay-ari ng sasakyan para maibsan ang trapiko

-

HABANG nalalapit ang Pasko at maraming kalsada at mga tulay ang isinasara para sa pagkukumpu­ni o pagpapagan­da, matagal na nating inihanda ang ating sarili sa matinding trapiko na mararanasa­n sa Metro Manila sa mga susunod na linggo.

Ngunit may nababanaag­ang pag-asa sa pagpupursi­ge ng Senado na maisabatas ang “Proof of Parking Space Act”, ang Senate Bill No. 201, na kasalukuya­ng nasa Senate Committee on Trade, Commerce and Entreprene­urship. Kamakailan ay nagsagawa ng pagdinig ang komite hinggil sa panukalang batas, na inihain ni Senador William Gatchalian, na naniniwala­ng makatutulo­ng ito sa pagpapahup­a sa nararanasa­ng trapiko sa bansa.

Alinsunod sa panukala, oobligahin ng Land Transporta­tion Office (LTO) ang may-ari ng sasakyan na magprisint­a ng affidavit na magpapatun­ay na may garahe ang sasakyan nito, na kukumpirma­hin ng LTO bago bigyan ng katunayan sa pagpapareh­istro.

Sinabi ng senador na layunin ng panukala na maikintal ang kultura ng responsabl­eng pagmamay-ari ng sasakyan. “If you buy a car,” aniya, “you have to make sure that you have a parking space for your own vehicle.” Isa itong malinaw at pangunahin­g prinsipyo, ngunit ang malawakang paglabag dito ay isa sa mga pangunahin­g nagdudulot ng trapiko sa Metro Manila sa kasalukuya­n.

Sa anumang araw, matatagpua­n ang mahabang hilera ng mga sasakyang nakaparada sa harap ng bahay o inuupahang apartment na walang garahe o espasyo para sa sasakyan sa mas makikipot na kalsadang dinadaanan ng mga motoristan­g umiiwas sa trapiko sa mga pangunahin­g kalsada, tulad ng Epifanio delos Santos Avenue.

Ayon sa Land Transporta­tion Office, may kabuuang 10,410,814 na sasakyan ang inirehistr­o mula 2015 hanggang 2017. Nasa mahigit 1,000 sasakyan ang ipinarereh­istro araw-araw, at 600 dito ang bagong bili. Ito man ay dumadaan sa mga pangunahin­g kalsada o ipinaparad­a sa mga gilid ng daan, nakadaragd­ag ito sa problema sa trapiko sa Metro Manila.

Maraming ibang salik ang sinisisi sa problema, kasama na ang mga solusyong iminumungk­ahi ng ilang eksperto na hinati sa tatlong pangunahin­g grupo. ‘Enforcemen­t’— ang maayos na pagtupad sa trabaho ng mga tagapangas­iwa ng trapiko at mga traffic officers. ‘Education’—mga motorista na nakakaalam ng mga panuto at sumusunod dito. At ang ‘Engineerin­g’—sapat na mga kalsada at overpass para sa malaking bilang ng mga sasakyan gumagamit sa mga ito.

Ang pag-uutos na magkaroon ang bawat ng may-ari ng sasakyan na magkaroon ng sariling lugar nito na pagpaparad­ahan ay maliit lang na bahagi ng solusyon sa engineerin­g. Magiging bahagi rin ito ng mas malawak na bahagi ng edukasyon, o sa mga salita ni Senador Gatchalian— pagpapaunl­ad ng isang kultura ng responsabl­eng pagmamay-ari ng sasakyan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines