Balita

Gulantang ng masaker

- Celo Lagmay

DAHIL sa kabi-kabilang pamamaslan­g na bunsod ng iba’t ibang sanhi -- pulitika, paglabag sa kalayaan sa pamamahaya­g at karapatang pantao, at ang talamak na

illegal drugs – ‘di ko na masyadong naramdaman ang gulantang ng masaker na naganap kamakailan sa Hacienda Nene sa Sagay, Negros Occidental, kahit na ito ay ikinamatay pa ng siyam na sakada o sugarcane workers na kinabibila­ngan ng dalawang menor-deedad. Ang gayong karumal-dumal na krimen ay tila naging karaniwan nang eksena sa mga komunidad na talamak sa droga at mga gahaman sa salapi at kapangyari­han.

Hindi pa malinaw kung saan na nakarating ang imbestigas­yon sa naganap

na kakila-kilabot na masaker. Ngunit isang bagay ang tiyak: Ito ay naglantad ng iba’t ibang anyo ng maramihang pagpatay na naiulat sa mga pahayagan, radyo at telebisyon. Ito kaya ay sanhi ng mga pagmamalup­it, pagsasaman­tala at iba pang alingasnga­s sa naturang asyenda?

Biglang sumagi sa aking utak ang kahambal-hambal na Mendiola massacre na ikinamatay ng mga magsasaka na naganap noong administra­syon ni President Cory Aquino. Sinasabi na ang mga biktima ay kabilang sa

mga magbubukid at sugar workers sa Hacienda Luisita. Ito kaya ay bunsod din ng umano’y pang-aapi at hindi pantay na pamamalaka­d sa naturang asyenda?

Hindi rin natin malilimuta­n ang kahindik-hindik na masaker sa Patikul, Sulu na ikinamatay ng aming kababayang si Gen. Teodulfo Bautista at ng kanyang halos 50 sundalo. Sinasabi na ito ay bunsod ng pataksil na pagpatay ng ating mga kapatid na Muslim; ang mga sundalo ay walang bitbit na armas samantalan­g ang umano’y mga salarin ay armado ng iba’t ibang kalibre ng baril.

Lalo namang karumal-dumal ang Maguindana­o massacre na ikinamatay ng mahigit 30 kapatid natin sa pamamahaya­g. Sinamahan lamang nila ang isang kandidato na naghain ng kanyang certificat­e of candidacy at ginampanan ang kanilang mga tungkulin bilang mga reporter ng iba’t ibang media outfit. Sa kumpas marahil ng isang makapangya­rihang political family, mistulang nalibing nang buhay ang ating mga kapwa mediamen; na...

biktima ng paglabag sa press freedom.

Mawalang-gana na, hindi ba ang pagpatay sa aking kapatid na si Mayor Rogelio Lagmay ng Zaragoza, Nueva Ecija at sa kanyang tatlong kasama ay maituturin­g na masaker? Katunayan, ito ay tinguriang, ‘noon-time massacre’ ng mga peryodiko at TV/media outfit.

Sa kabila ng kakila-kilabot na mga pagpatay, asahan na lamang natin ang pagsisikap ng mga awtoridad laban sa kriminalid­ad -- ang kalupitan ng tao sa kanyang kapwa-tao.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines