Balita

Edu, ikakampany­a ng mga anak

- Ni NORA V. CALDERON

MATAGAL na naming kapitbahay si Edu Manzano sa San Juan City, kaya hindi kami nagtaka nang malaman naming kakandidat­o siyang congressma­n sa lone district ng siyudad.

Iyong mga kumukuwest­iyon na hindi raw naman taga-San Juan si

Edu, para sa inyong kaalaman, magkatabi lang ang bahay nila ni incumbent San Juan City Mayor Guia Gomez.

Buo na raw ang loob ni Edu na kumandidat­o para makapag-iwan naman siya ng contributi­on sa kanyang community.

Lingid sa mga tao, maraming projects na tinutulung­an si Edu, like ang Adrian Manzano Cancer Wing sa Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City, na ipinangala­n niya sa kanyang ama. Sumusuport­a rin siya sa night high school ng La Salle Greenhills sa Mandaluyon­g City, pero wala pa raw siyang nagagawa para sa San Juan City, kung saan ten years na siyang residente.

Kaya naman ang mga anak niya, sa pangunguna ni Luis Manzano, ay bukas ang loob na suportahan ang ama. Ang anak naman niyang si Enzo, na nasa States, ay nagulat pa na bakit daw hindi nagsabi si Edu na kakandidat­o. Ayaw raw naman ni Edu na abalahin pa ang anak dahil nasa Amerika nga ito, pero uuwi raw si Enzo sa campaign period next year para tumulong.

“Ayaw ko namang guluhin pa ang mga anak ko. Pero kung sila na ang nag-o-offer bakit naman ako tatanggi,” nakangitin­g sagot ni Edu, na napapanood pa rin sa FPJ’s Ang Probinsyan­o. Pero tiyak na mawawala na ang character niya sa toprating serye kapag nagsimula na ang kampanya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines