Balita

Jessy,‘di nagpakabog sa basher, hiniritan din

- Ni NITZ MIRALLES Jessy

MAAYOS na sinagot ni Jessy Mendiola ang tanong ng isang fan kung bakit ang ipinopost niyang picture sa Instagram (IG) ay lagi siyang nakasuot ng bathing suit.

“Ano pong gusto ninyo iprove? Nagtatanon­g lang po.. parang gusto na kitang unfollow,” sabi ng ex-follower ni Jessy.

“Ngayon lang naman po ako nagpost ng nakabikini ulit kasi nasa beach po ako. Hirap naman po maghoodie sa tabing dagat, baka malusaw ako sa init. Scroll mo feed ko, wala naman po akong bikini pics masyado. Unfollow ka nalang. Take care!,” sagot ni Jessy na ikinatuwa ng kanyang supporters.

May sunod na humirit at ang inereklamo naman ay wala na raw ibang ginawa si Jessy kundi maghubad. Pinayuhan pa nito ang aktres na maghinay hinay dahil nakakasawa na para sa kanya ang ginagawa ni Jessy.

“Di ko alam bawal pala magbikini sa beach?! Hubad agad? Di ba pwede nakaswimsu­it lang??? Hustisyaaa beees!” sagot ni Jessy.

Actually, hindi na kailangan ni

Jessy na sagutin ang walang magawang exfollower niya dahil ang supporters na niya ang rumesbak sa netizen na pati suot ng aktres, ginawang isyu.

Sa nag-comment naman na lagi raw nakatambay si Luis Manzano sa account ni Jessy dahil laging nagko-comment, na OA na raw minsan, ang sagot ni Jessy, “sweet nga eh. Kinikilig ako palagi.”

Samantala, sunud-sunod ang pelikula ni Jessy dahil pagkatapos ng MMFF entry na The Girl In The Orange Dress ng Quantum Films katambal si Jericho Rosales, gagawin naman niya ngayon sa Regal Entertainm­ent ang pelikulang Trapped kasama si Arjo Atayde.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines