Balita

Paula Abdul, nahulog sa stage

-

NAGTAMO ng ilang pasa si Paula Abdul makaraang mahulog sa stage sa kalagitnaa­n ng kanyang gig sa Mississipp­i nitong Sabado ng gabi, ulat ng Cover Media.

Nahulog ang Straight Up singer nang tinangka niyang hawakan ang mga kamay ng fans sa harap ng stage sa Hard Rock Live venue sa Biloxi, dahil nawalan siya ng balanse.

Tinulungan ng fans si Paula na makabalik ng stage at ipinagpatu­loy niya ang show, hanggang sa matapos ang kanyang ikatlong gig sa Straight Up Paula!

2018 tour.

Hindi pa malinaw kung nagtamo ng mas malalang sugat ang singer-dancer, dahil kamakailan ay ibinunyag niyang nag-iingat siya sa pagtu-tour matapos ang nakapaghih­ilakbot na aksidente sa eroplano, 25 taon na ang nakaraan, na nagpalamla­m sa kanyang pop career.

Sumailalim si Paula sa 15 surgery at naging partially paralyzed makaraang sumabog ang engine ng seven-seater plane, na kanyang kinalulula­nan. Hindi suot ni Paula ang strap noon, kaya nagpagulon­ggulong siya sa cabin.

“I hit my head on the top of the plane and after that I was sidelined for seven years,” sabi niya sa U.S. talk show host na si Steve Harvey. “I had 15 spinal surgeries, I had partial paralysis.”

Nagbalik siya sa spotlight bilang hurado sa U.S. talent show na American Idol at ngayon ay nagtu-tour na ulit siya.

“I’m really excited that I get a chance to do this again,” sabi niya.

Nagsimula ang Straight Up - Paula! tour began nitong buwan, at nakatakda siyang magtanghal sa Sands Bethlehem Event Center sa Pennsylvan­ia sa Oktubre 23.

 ??  ?? Paula
Paula

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines