Balita

Kamandag

- NI LEONARDO T. BULURAN

AIka-67 labas

LAM ni Nena, may hudyat. Nararamdam­an niya na nadala na sa matinding pagnanasa ang kanyang mister. Handan a itong ibigay sa kanya ang kaligayaha­n.

Kaybilis ng nangyayari! Sa isang iglap, pareho na silang parang mga bagong silang na sanggol. Aaa, hindi rin halos nila alam kung bakit ganoon sila.

Nasa kainitan na sila ng kanilang pagtatalik nang bigla silang alertahin ng kalabog sa kanilang bubungan.

Parang may bumato ng batong de porma sa kanilang bubong. O kundi man, parang may lumundag na pagkakalak­ing hayup. Posible bang baboy o mas malaki pa sa baboy!

Bumalikwas si Nena sabay tulak kay Fermin. “A-ano ‘yon?”

“Baka nagbalik ang mga ibon,..”

“Imposiblen­g ibon lang ‘yon. Parang baka.”

“Kung baka ‘yon, mawawarak ang bubong natin.”

Unahan silang nagsuot ng mga hinubad nilang damit.

Unang nakabihis si Fermin na humanda para umalis. “Hintayin mo ‘ko, Fermin!” Patungo na si Fermin sa pinto, hawak ang flashlight. Sa may bukana ng hagdan, kinuha ni Fermin ang ilang putol na bakal na iniwan kanina. Papanaog na si Fermin nang abutan niya.

Kumapit lang siya kay Fermin pero hindi yumakap. Naisip niya, kailangang malaya ang mga kamay ng asawa kung mapalaban man.

Naroom ma sila sa harap ng kanilang bahay. Nakatingin si fermin sa ere. Lakas-loob, tumingala rin siya. Maliwnaag na talaga ang sikat ng buwan. Wala. Malinis ang papawirin. Maging ang bahagi ng bubong na nakikita nila, malinis. Walang ano mang nasa bubong.

“Talagang may maligno rito, Fermin!”

“Hum, ilang beses kong sasabihing wala ‘yang malimalign­o.”

“Ngayon ko lang naisip...” si Fermin uli. “May mga kabataan din siguro dito na mahilig mamerwisyo.”

“Malayo tayo sa mag kapitbahay, Fermin.”

“Walang malayo kapag gusto, lalo na sa panahong ito. Paano kung lasing sa drugs? Pag naka-droga, walang matinong tao.”

“Dapat pala, Fermin... bago natin binili ito, nagimbesti­ga muna tayo. Natatakot yata ako, Fermin!”

Bumuntong hininga muna si Fermin bago nagsalita uli: “Di ba, may mga nakausap naman tayo no’ng naghahanap tayo ng trabahador. Mukha namang mababait sila.” “Ilan lang ang nakausap natin, Fermin.” Ang hindi niya sinabi: Hindi naman sa addict ako takot. Maliwanag ang sinabi nila: Haunted ang lugar na ito.

“Makiramdam tayo,” sabi ni Fermin. “Hindi sila sasantuhin ng mga sibat natin.”

katahimika­n. Matagal.

Saka naisipan ni Fermin na lentehan ang bahagi ng kanilang bubong na hindi masyadong natanglawa­n kanina. “Inangkupo! Diyoskupo! Nanindig ang kaliit-liitang mga balahibo ni Nena sa katawan sa kanyang nakita. Imposible!

“Ang lalaking mga pusa niyan!” Nakawala rin sa bibig ni Nena.

“Hindi yata mga pusa ‘yan, Nena...a-aso!”

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines