Balita

6 Disney parks, nilibot nang 24 oras

-

Kakaibang challenge ang naisip at hinarap ng isang mag-asawa sa Tennessee nang bisitahin ng mga ito ang bawat Disney park sa Amerika sa loob ng 24 oras.

Ayon sa mag-asawang Heather at Clark Ensminger, nagsimula ang kanilang quest ng Martes ng gabi noong nakaraang linggo sa Disney Springs sa Orlando at kinabukasa­n ay nagawa nilang mapuntahan o masakyan ang isang atraksiyon sa Disney park ng Florida at California.

Sinabi ng mag-asawa na nagsimula naman ang kanilang Miyerkules sa Disney’s Hollywood Studios, kung saan nila binisita ang Toy Story Land; nagtuloy sa Epcot at sumakay sa Spaceship Earth; nakilala din nila si Mickey Mouse sa Magic Kingdom Park; at tinapos ang kanilang oras sa Walt Disney World Resort kasama ng pagbisita sa Animal Kingdom.

Saka umano lumipad ang mag-asawa patungong Los Angeles, kung saan sila nagmadalin­g pumunta sa Disney California Adventure Park at sumakay sa Guardians of the Galaxy - Mission: Breakout. Tinapos ng magasawa ang kanilang araw sa Disneyland park.

Ayon sa mag-asawa, si Clark ang nakaisip ng plano bilang surpresa sa kanyang asawa na namatayan ng ama noong Oktubre 2017.

“As the anniversar­y of his passing got a little closer, I was sort of having a hard time,” pahayag ni Heather. “Unbeknowns­t to me, my husband started planning this special trip to surprise me.”

“It’s just been a dream come true,” ani Clark Ensminger.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines