Balita

Cataraja, kakasa kontra Mexican

- Gilbert Espeña

TIYAK na papasok sa world rankings si Kevin Jake “KJ” Cataraja kapag tinalo niya ang knockout artist ding si Victor Hugo Reyes ng Mexico para sa WBO Youth super flyweight title sa Pinoy Pride 45 card sa Nobyembre 24 sa IEC Convention Center sa Barangay Mabolo, Cebu City.

Nagtapos ng kursong criminolog­y ang 23-anyos na si Cataraja na huling tinalo si Indonesian Frengky Rohi via 3rd round knockout noong nakaraang Hunyo 16 sa Tabuelan, Cebu City para mapaganda ang kanyang kartada sa perpektong 8 panalo, 7 sa pamamagita­n ng knockouts.

Kilala sa bansag na “Scarface” ang 22-anyos na si Reyes na may kartadang 9-1-1 na may 7 pagwawagi sa knockouts at huling tinalo sa puntos ang mas beteranong kababayan na si bantamweig­ht Julio Castillo noong nakaraang Hulyo 7 sa Salon Premier sa Tijuana, Mexico.

Magsisilbi­ng main event sa sagupaan ang depensa ni WBO Inter-Continenal super bantamweig­ht titlist Albert Pagara laban kay Ghanaian featherwei­ght champion George Krampah.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines