Balita

Nabalan at Kouame, UAAP POW

- Marivic Awit an

DALAWANG manlalaro mula sa dalawang defending champion teams ang pinaka nagningnin­g sa katauhan nina Ria Nabalan ng National University Lady Bulldogs at Angelo Kouame ng Ateneo de Manila University Blue Eagles sa kanilang individual performanc­es na magiging bahagi na ng kasaysayan ng liga.

Dahil dito, napagdesis­yunan ng mga miyembro ng Press Corps na igawad kapwa kina Nabalan at Kouame ang parangal bilang Chooks-to-Go/Collegiate Sports Press Corps UAAP Player of the Week.

Ito ang unang pagkakatao­n na maggagawad ang UAAP Press Corps ng citation sa dalawang players.

Si Nabalan din ang magiging unang women’s cager na gagawaran ng award, matapos umiskor ng 40 puntos mula sa 14-of-23 shooting upang giyahan ang Lady Bulldogs sa kanilang record na 72nd straight win.

Mismong ang kanilang head coach na si Patrick Aquino ay masayang masaya sa achievemen­t ng kanyang player.

“Sobrang happy that everything was falling for Nabalan. It’s only a once-in-alifetime na makakuha siya ng forty points. Sobrang saya,” wika ni Aquino pagkatapos ng 111-64 na panalo nila kontra De La Salle Lady Archers noong Sabado.

Dalawang manlalaro pa lamang ang sinundan ni Nabalan na umiskor ng hanggang 40puntos sa women’s division ng liga.

Una si Far Eastern University Lady Tamaraw Raiza Palmera noong 2011, nang umiskor ito ng 44 puntos sa kanilang 85-80 panalo kontra University of the East Lady Warriors.Sumunod ang kapwa Lady Tamaraw na si Allana Lim na nagposte naman ng 45 puntos sa kanilang 85-43 na paggapi rin sa UE noong sumunod na taon.

Damang-dama ang pagkawala ng mga kakamping sina Thirdy Ravena at ang kambal na sina Mike at Matt Nieto, nagtala ang 6-foot-10 Ivorian student-athlete ng 33 puntos at 27 rebounds upang pamunuan ang Ateneo sa 82-62 panalo nila kontra FEU.

Ang itinalang double-double na ito ni Kouame ang una mula noong 2003. Ang kanyang naitalang kabuuang rebounds ay pinakamata­as sa liga sa nakalipas na 15 taon at ang kanyang itinalang puntos ang pinakamata­as para sa isang Blue Eagle sa loob ng apat na taon.

Sa gitna nito, naniniwala ang Ateneo coaching staff na hindi pa naipapakit­a ni Kouame ang kanyang tinatawag na “full potential”.

“We’re very happy with his developmen­t and we’d like to think of it that he’ll still continue to improve,” ani Ateneo assistant coach Sandy Arespacoch­aga. “That’s the mentality of coach Tab [Baldwin] - kung anong talents niya, he will continue to improve it and he will continue teaching.”

Tinalo ng co-Players of the Week para sa karangalan si University of the Philip Fighting Maroons sophomore Juan Gomez de Liano na sya namang unang player sa UAAP’s Men’s division na nakapagtal­a ng triple-double makalipas ang 12 taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines