Balita

Banchero, PBA best player

- Marivic Awitan

DAHIL sa ipinakitan­g performanc­e sa nakaraang dalawang laro ng Alaska Aces, tinanghal si Chris Banchero bilang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week noong Oktubre 15-21 sa ginaganap na 2018 PBA Governors’ Cup.

Pinamunuan ni Banchero ang Aces’ sa pagrehistr­o ng back-toback wins na nagluklok sa kanila sa liderato kasalo ng Ginebra at Magnolia.

Bukod dito, lumakas din ang kanilang tsansa na makasungki­t ng twice-to-beat advantage sa playoffs.

Nagtala ang 29-anyos na si Banchero ng 19 puntos, 7 assists at 5.5 rebounds para sa nakaraang dalawang panalo ng Alaska kontra Columbian Dyip, 104-94 at Blackwater, 116-109, na nag-angat sa kanila sa barahang 7-2.

Nagposte ang fifth overall pick ng Aces sa 2014 PBA Rookie Draft halos ng triple-double na 10 puntos, 11 assists at 7 rebounds sa tagumpay nila kontra Dyip.

Nitong Linggo, naglagabla­b sa loob ng hardcourt si Banchero, ang third conference’s assist leader sa kanyang itinalang PBA career-high 28 puntos galing ss 12-of-16 field goal sa paggapi nila sa Blackwater.

Tinalo ng Fil-Italian guard para sa lingguhang citation sina Meralco Fil-American players Cliff Hodge at Chris Newsome at sina San Miguel stalwarts Chris Ross at rookie Christian Standhardi­nger.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines