Balita

Ateneo-Motolite, kinapos ng lakas sa Creamline

- Marivic Awitan

Mga Laro Bukas (Filoil Flying V Center)

4:00 n.h. -- BanKo-Perlas vs Iriga-Navy 6:00 n.g. -- Pocari-Air Force vs Tacloban

PINANGUNAH­AN ni Alyssa Valdez ang Creamline Cool Smashers sa dominanten­g 25-23, 25-17, 15-14 panalo kontra sa alma mater na AteneoMoto­lite nitong Linggo sa PVL Open Conference first round eliminatio­n sa Baliwag Star Arena sa Bulacan.

Tumipa ang dating Ateneo star at three-time UAAP MVP sa naiskor na 19 puntos at 11 digs.

Mula sa dikit na laban sa first set, umarya ang Cool Smashers sa sumunod na dalawang set para angkinin ang magaan na panalo laban sa kulang sa players na Lady Eagles-Motolite. Hindi nakalaro sina veteran Ponggay Gaston, Kat Tolentino at Maddie Madayag bunsod ng injury.

“We know naman na collegiate players and their in amazing shape, kundisyon talaga. Siguro, for us, we tried to show our experience,” pahayag ni Valdez.

Nag-ambag si Jia Morado, dating kasangga ni Valdez sa collegiate days, sa naiskor na 28 excellent sets bukod pa sa 8 puntos.

Matapos mabigo sa kanilang unang laro, winalis ng Cool Smashers ang nalalabing laban para mapanatili ang liderato sa 6-1 karta.

Nanguna naman si rookie Vanie Gandler para sa Ateneo na tumapos na pangalawa taglay ang 5-2.

Nauna rito, hindi naman inalintana ng Pocari-Air Force ang fatigue at erratic nilang serving sa fifth set upang maiposte ang 16-25, 26-24, 18-25, 25-23, 15-13 panalo kontra BanKo-Perlas.

Dahil sa panalo. timapos ang Lady Warriors na kasalo ng PetroGazz sa fourth spot hawak ang 4-3 rekord.

Ang kabiguan ang ikalawang sunod naman ng BanKo-Perlas matapos ipanalo ang unang lima nilang laro.

 ?? RIO DELUVIO ?? NALUSUTAN ni Dave Ildefonso ng National University ang depensa ng UST para makapuntos sa driving layup sa isang tagpo ng kanilang laro sa UAAP Season 81 men’s basketball eliminatio­n. Nakaulit ang Bulldogs sa Tigers sa doubleroun­d eliminatio­n, 6961.
RIO DELUVIO NALUSUTAN ni Dave Ildefonso ng National University ang depensa ng UST para makapuntos sa driving layup sa isang tagpo ng kanilang laro sa UAAP Season 81 men’s basketball eliminatio­n. Nakaulit ang Bulldogs sa Tigers sa doubleroun­d eliminatio­n, 6961.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines