Balita

Ria, bina-bash dahil kina Arjo at Maine

- Reggee Bonoan

“IF a guy and girl are both single, they should be able to date whoever they want. And a genuine sign of support is if you let them, if you accept it and if you become happy for them even if they don’t go for the person you’re rooting for. Just my two cents.”

Ito ang tweet ni Ria Atayde

nitong Lunes, bandang 11:00 ng umaga.

Walang binanggit ang aktres kung sino ang tinutukoy niya sa tweet niyang ito, pero nahulaan na naming sina Arjo Atayde at Maine Mendoza ang tinutukoy niya dahil muli na namang nakita ang dalawa sa Xylo at The Palace Bar nitong Sabado.

Base sa video na ipinost sa Twitter ni @Djdeng ay nakitang sumasayaw-sayaw pa ang GMA artist habang nakatayo naman si Arjo na umiindak-indak din habang nakaharap sa dalaga.

Kaagad naming tinanong si Ria kung sina Arjo at Maine na, dahil ilang beses na palang lumalabas ang dalawa.

“Nope. All I know is they hang out a lot,” sabi ng kapatid ni Arjo.

Pero kung napapadala­s naman ang paglabasla­bas o dating na matatawag, posible bang gusto na ni Maine si Arjo?

“Not necessaril­y naman, puwede ring hang-out lang,”katwiran ulit ni Ria.

At kaya pala nag-tweet si Ria ay dahil idinamay siya ng bashers ni Arjo, na nagpo-post pa sa personal account niya.

“I just had to tweet today ‘cause grabe na mga comments on my social media accounts. Grabe sila! They were all commenting mean things on my personal accounts. They’re the ones involving me tapos now they’re saying I’m making pakisawsaw,” ito ang paliwanag sa amin ng isa sa cast ng seryeng Halik.

Ang mga komento ay mababasa sa Instagram account ni Ria.

Anyway, base naman sa comments na nabasa namin sa Fashion Pulis ay pawang positibo naman ang mga ito, at boto nga raw sila kay Arjo para kay Maine.

Nakakaaliw nga dahil ‘yung AlDub o Alden Richards at Yaya Dub (sumikat na karakter ni Maine sa kalyeserye ng Eat Bulaga) ay ginawang ArDub na—ang ibig sabihin ay Arjo at Yaya Dub.

Daan-daan na ang comments sa FP at kabilang sa mga ito ang: “Kung lumabas man sila, eh ano naman masama ‘di ba? Pareho naman silang single. Hindi ako fan ni Maine pero girl, advice ko sa’yo, you should know when and when not to listen to your fans. Huwag ka magpadikta sa kung ano ang puwede mong gawin. Bata ka pa at successful­l ka na. Masipag ka at halos walang enough rest sa pagtatraba­ho. Enjoy your life, explore meeting different people.”

“Kinilig ako ha.Yes let Maine be happy.Wala nang pakialaman­an sa lovelife ng tao outside the show,” komento ng isa pa.

“She’s doing what any girls her age is doing wala naman syang sinasaktan so why so butt hurt?” sabi ng isang netizen.

“Bagay sila and much better than J. Happy for Maine! Keber sa mga bashers.”

“ARDUB is real.”

“Grabe in 3 years 4 na guys na na-link sa kanya. Iba ka, Maine. Alden (Richards), Sef (Cadayona), Jake (Ejercito), Juancho (Trivino) and Arjo. That’s 5 ha, ha.”

“Conyo laking mayaman at parehas mga hilig ni Maine at Arjo mas madami silang pag-uusapan.”

“Kasi sabi ng AND (AlDub Nation) hindi daw totoo at edited lang ang pics regarding Arjo and Maine dating ang bar hopping. Sunud-sunod na gabi na iyan na inuumaga sila sa dates nila.”

“I don’t think na friends or kasama nila ‘yung nag-post ng video. Nag IGS silang magsyota then nahagip lang si Maine and Arjo sa likod nila. So possible na silang dalawa lang ang nag date.”

Going back to Ria, tinanong namin siya kung boto siya kay Maine para kay Arjo.

“Ako naman po, tita, I let Arjo be. Basta kung anong gusto niya, support ko,” sagot kaagad ni Ria sa amin.

Pero si Ria ay nananatili­ng single at walang dine-date o nakaka-hang out dahil abala siya sa taping ng Halik. Ang laging kaeksena niya ay si Jericho Rosales. Sinabi ni Ria na wala siyang love interest sa serye.

 ??  ??
 ??  ?? Ria
Ria

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines