Balita

Aga, idinepensa ni Richard Reynoso

- Ni NORA V. CALDERON Richard

DUMARAMI ang mga kasamahan sa showbiz ni Aga Muhlach na nagtatangg­ol sa kanya nang laitin siya na “isa lang artista” nang hindi sinasadyan­g masangkot siya sa issue ni Senator

Antonio Trillanes IV. Nabash nga si Aga ng mga supporters ng senador, at isa rito si Atty. Jesus Falcis.

Isa ang singer na si Richard Reynoso, member ng famous na The OPM Hitmen, kasama sina Chad Borja, Rannie Raymundo, at Renz Verano., sa mga nagtanggol kay Aga.

Post ni Richard sa Facebook: “Ayoko sanang magsalita tungkol sa isyu ni Aga at baka masabihan pa akong nakikisaws­aw sa usaping ito. Pero parang ‘di ko kayang ‘di magsalita kasi pareho kami ng industriya­ng pinanggaga­lingan ni Aga, kaya eto na...

“ARTISTA NGA LANG MARAHIL KAMI, Attorney Falcis. Kaya siguro kami at ang industriya­ng ginagalawa­n namin ang nilalapita­n tuwing may eleksiyon para magkaroon ng taong makikinig sa mga pangakong kadalasan ay napapako ng mga pulitiko. “Kami ang pinupuntah­an para magbigay kasiyahan sa mga nagdadalam­hating biktima tuwing may malaking sakuna, o ‘di kaya ay tuwing may fundraisin­g concert para may dagdag panggastos sa mga nangangail­angan. “Wala nga marahil kaming alam sa mga kaganapan sa ating bayan kahit na marami sa aming hanay ang tapos ng kolehiyo at may sariling negosyo. Pagpasensi­yahan na po, Atty. Falcis, kung wala nga siguro kaming alam sa pulitika, na malaki ang nagiging kontribusy­on namin sa pagbabayad ng buwis taun-taon na siyang nagpapasuw­eldo sa mga pulitiko. “Marahil nga siguro wala kaming alam dahil mga artista lamang kami kaya sa tuwing meron sa aming hanay na nagbabalak tumakbo tuwing eleksiyon, nangingini­g sa takot ang mga nakakatapa­t na pulitiko.

“ARTISTA LANG KAMI, Atty. Falcis, kaya kami pinakiking­gan ng marami na tuwing meron kaming sasabihin dahil ramdam din namin ang hinaing ng maraming kababayan natin.” Katatapos lang ng sold-out concert ng The OPM Hitmen sa Music Museum last Saturday, October 27, with special guest Dulce.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines