Balita

‘Di ako endorser ng mga Marcos— Vice

- Ni ADOR SALUTA

BINIGYANG-KULAY ng ilang netizens ang larawang magkasama sina Vice Ganda at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa airport ng Ozamiz City, Misamis Occidental last Sunday, October 21.

Sa Twitter post ng Study of RM ay makikita ang ilang larawan nina Vice at

Imee habang naglalakad. Pareho ring may nakasabit na lei sa kanilang mga leeg.

May caption ang nasabing larawan: “Bakit kaya balot na balot si Momshie @vicegandak­o kasama si Mareng Imee Marcos sa Ozamiz City??? The down fall of the unkavogabl­e star! Oh I forgot Vice and Bongbong history back in 2014.”

Bago matapos ang Lunes ng gabi, nag-post ng magkakasun­od na mensahe sa Twitter ang It’s Showtime host upang sagutin ang mga batikos at espekulasy­on tungkol sa larawan nila ni Imee.

“May mga taong ginagalit ang mga sarili nila dahil sa kasinungal­ingang pinaniniwa­laan nila na sila lang din naman ang may likha!” post ni Vice.

Pagkatapos nito ay ipinaliwan­ag ni Vice kung ano ang ipinunta niya sa Ozamiz. Itinanggi rin niyang inendorso niya si Imee, na kakandidat­o bilang senador sa 2019 mid-term elections. “Ok para sa mga fans ko na nagtatanon­g. Wala akong pakelam kung anung iteniraryo ni Imee Marcos sa Ozamiz nung nakasabay ko sya sa eroplano. Nagpunta ‘ko dun para mang-aliw ng mga taga-Ozamiz City. ‘Di para mag-endorso ng kahit sinong pulitiko.

“Di ako endorser ng mga Marcos!” Nagawa pang magbiro ni Vice sa larawan nila ni Imee, na binigyan agad ng kulay ng detractors niya. “So dahil sa picture na ‘to supporter na agad ako ni Imee?! ‘Di pa puwedeng supporter ako nung mamang nakaputi dun sa likod?! Lol!”

May buwelta rin ang Kapamilya box-office star sa pumuna sa kanyang “balot na balot” na suot.

“At tawang-tawa ko sa bakit daw ako balot na balot??? Hahahaha!! Seriously first time n’yo bang nakakita ng naka-hoody at nakashades??? ‘Di pwede???

“May dress code ba sa Ozamiz City???”

 ??  ??
 ??  ?? Vice
Vice

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines