Balita

Ginunita ng Pangulo ang nangyaring pagpapatal­sik sa Kamara

-

NANG ibunyag mismo ni Pangulong Duterte nitong nakaraang Huwebes na ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ang nasa likod ng pagpapatal­sik kay Rep. Pantaleon Alvarez bilang speaker ng Kamara de Representa­ntes, agad na nagkomento ang bagong tagapagsal­ita ng Pangulo na si Salvador Panelo, at sinabing ang nangyaring pagpapatal­sik ay tunay na desisyon ng Kamara.

Tila nais protektaha­n ni Panelo ang Pangulo mula sa mga kritisismo na nagsasabin­g hindi tamang kinokontro­l ng Pangulo ang Kamara, isang malayang katawan ng Kongreso sa ilalim ng Konstitusy­on. Kaya naman, iginiit niya sa isang panayam na anuman ang naging bahagi ni Mayor Sara sa pagpapatal­sik, sa huli ito pa rin ay nasa desisyon ng Kamara na ang miyembro, aniya, ay matagal nang nakararamd­am na ang pamumuno ni Alvarez ay hindi nagbibigay sa kanila ng pagkakatao­n makapaglin­gkod bilang halal na kinatawan.

Marami nang pagkakatao­n sa nakalipas na kung saan tila isinusulon­g ng Pangulo ang isang walang katiyakang posisyon, na kalaunan naman ay lilinawin din niya kung ano ang nais niyang sabihin. Dumating pa nga ito sa punto na pinayuhan ng isa sa kanyang mga presidenti­al aide ang mga kritiko na tanggapin bilang “creative imaginatio­n” ang kanyang mga salita.

Sa kaso ng pagpapatal­sik kay Speaker Alvarez, sinabi ng Pangulo sa 44th Philippine Business Conference and Expo sa Manila Hotel na hindi pinalampas ng kanyang anak ang napaulat na pahayag ni Alvarez na kaya nitong mapatalsik ang Pangulo. Kaya naman, sinimulan nitong makipag-ugnayan sa mga Kongresist­a na tumugon naman gamit ang hakbang na humantong sa pagkakapal­it sa kanya ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Matatandaa­n natin ang television coverage ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo noong Hulyo 23, na naantala ng ilang oras sa pagmamaneo­bra ng mga kongresist­a at paghahalal ng bagong speaker. Ito ang SONA na matatandaa­n ng marami dahil walang ginamit na impormal na salita ang Pangulo.

Tama si Pangulong Duterte nang sabihin niyang ang kanyang anak ang namuno sa pagpapatal­sik; kung hindi siya kumilos, walang magaganap na pagpapatal­sik. Ngunit tama rin naman si spokesman Panelo nang sabihin niyang sa huli desisyon pa rin ito ng Kamara; tila kailangan lamang nila ng magandang rason para gawin ang kanilang naging aksiyon.

Ngayon ay kailangan na natin isantabi ang mga naging kaganapan na ito at tumingin sa hinaharap. Sa nalalabing mga buwan bago lumipas sa kasaysayan ang 17th Congress, patuloy itong gagawa ng mga kailangang batas. Papalitan naman ito ng 18th Congress na ang mga magiging miyembro ay ihahalal sa Mayo 13, 2019. Umaasa tayo na iiwasan nito ang mga suliranin na humantong sa hindi inaasahang pagpapatal­sik ng speaker at ang pagkaantal­a ng matagal nang naitakdang SONA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines