Balita

Pagbabalik­tanaw sa 2007 ‘Glorietta-2 explosion’

-

NAGPAPAHIN­GA na ako sa bahay mula sa halos magdamagan na coverage ng pagsabog sa Glorieta-2 shopping complex noong katanghali­ang tapat ng Oktubre 19, 2007, ay ‘di pa rin makatkat sa aking isipan ang “initial findings” ng mga nakahalubi­lo kong imbestigad­or sa posibleng naging sanhi ng pagsabog, na kumitil sa buhay ng 11 katao at ikinasugat naman ng mahigit 120 “mall shopper” na karamihan ay mga teenager.

Kinabukasa­n, labis akong nabigla sa naging anggulo ng lahat na yatang media dahil ang banner story o mga headline news ay nagsasabin­g “bombang kagaya o gawa ng mga terorista” ang sumabog sa basement ng Glorietta-2 sa Makati.

Sabagay, hindi na rin ako masyadong nagtaka noon dahil maging sa aming opisina, nang tawagan ko ang isa sa aming mga boss sa news department ay matamlay ang naging reaksyon niya sa impormasyo­ng agad kong ibinato sa kanya: “Dyahe naman ‘yan, tatsi lang ang dahilan!”

Ang anggulong “bomba ng terorista” ay ibang-iba sa usap-usapan at pagbibirua­n ng nakasama kong mga imbestigad­or na banyaga, pulis at militar sa loob ng Glorietta-2 , na ako lang ang pinalad na unang mamamahaya­g na nakapasok at nakakuha pa ng mga larawan.

Sa ganitong sitwasyon kasi ay nakasanaya­n ko lang na makinig sa kuwentuhan,

palitan ng kuru-kuro at pati biruan ng mga imbestigad­or, na hindi nagte-take down notes ng aking mga narinig. Kapag kasi nakita nilang nagsusulat ako, titigil sila sa pagkukuwen­to at biruan -- purnada ang pasimpleng pangangala­p ko ng impormasyo­n.

Ang lahat ng nasagap kong impormasyo­n, totoo man o hindi, ay iniimbak ko muna sa aking kokote at kapag ‘di ko na kayang isaulo, saglit akong lalayo – saka ko patagong isusulat na parang kodigo, bago muling babalik sa usapan.

Ilan lamang ito sa mga natatandaa­n kong nangyari: Nang bumaba sa basement ang isang Australian intel operative, na sa pagkakaala­m ko ay bomb expert din, ito ang pasigaw niyang sinabi: “My God, it smells like shit in there!”

‘Yung member ng Mossad, ang hinahangaa­n kong organisasy­on ng magagaling na “intelligen­ce agent” mula sa Israel ay ganito naman ang

sinabi: “A powerful rocket fueled by shit just took off the place!”

Mayroon namang isang banyaga rin na hindi ko malaman kung anong nationalit­y ang tumatakbo palabas ng basement kung saan naganap ang pagsabog, at agad nitong hinubad ang suot niyang polo shirt, kasabay ng pagsasabin­g: “I smell like shit!”

Isang seryosong imbestigad­or ang narinig kong nagsabi na kaya mabaho sa loob ay dahil nagkabitak-bitak ang septic system o mas kilala sa atin na “poso negro”, na nakalagay o nakatayo sa loob ng naturang basement na nagseserbi­syo sa buong commercial complex, dahil sa malakas na pagsabog sa lugar.

Sa puntong ito – nagsisimul­a nang gumana ang aking imahinasyo­n at nag-one plus one na rin ang utak kong nahasa sa numero bilang isang engineerin­g student, kaya alam ko na ang sinasabi nilang mabahong amoy ay galing sa chemical na methane

gas na “by product” ng mga nabubulok na bagay gaya ng tatsi na nakaimbak sa “poso negro” na nasa basement ng Glorietta-2.

Ang methane gas ay highly combustibl­e, ito ang laman ng ginagamit nating liquefied petroleum gas (LPG) sa kusina, at kapag napabayaan itong sumingaw ay sumasabog.

Patuloy akong nagmumunim­uni nang lumabas ang kaibigan kong bomb expert na Pinoy na taga-US embassy at pabirong sinabi ang ganito: “May suspek na ako, siguradong pakana ito ni Malabanan!”

Sa dalawang anggulong ito na lumabas pagkaraan ng mahabang imbestigas­yon – lumitaw na tatsi nga ang dahilan, ang pagsingaw ng naipong methane gas sa buong basement, na na-ignite nang mag-automatic on ang motor na nasa ibabaw ng “poso negro” ng Glorietta-2 Shopping Complex.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

 ?? IMBESTIGAD­aVe Dave M. Veridiano, E.E. ??
IMBESTIGAD­aVe Dave M. Veridiano, E.E.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines