Balita

DAR tutulong sa pamilya ng mga minasaker sa NegOcc

-

HANDANG magbigay ng legal assistance ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga pamilya ng siyam na sakadang napatay sa loob ng Hacienda Nene sa Barangay Bulanon, Sagay City,

nitong Sabado ng gabi.

Inihayag ito noong Lunes ni Agrarian Reform Secretary John Castricion­es sa press conference, dahil lubha niyang kinokonden­a ang pagpaslang sa mga miyembro ng National Federation of Sugar Workers (NFSW), kabilang ang tatlong babae at dalawang menor de edad.

Siniguro ni Castricion­es na gagawin ng DAR ang lahat ng makakaya nito upang bigyan ng hustisya ang mga biktima.

Aniya, gumagawa ng paraan ang DAR upang makatulong tungo sa ikabubunya­g ng katotohana­n sa likod ng massacre. “We’d

like to get to the bottom of this,” aniya.

Ayon sa mga news reports ilang ‘di kilalang armadong lalaki ang may kagagawan ng krimen.

Inihayag naman ni Chief Supt. John Bulalacao, Police Regional Office (PRO)-Western Visayas director, na ang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Negros Island ang suspek sa mga pamamaslan­g.

Ayon kay Castricion­es, ang hacienda umano ang sentro ng away sa lupa sa pagitan ng mga may-ari ng lupa at ng mga sakada sa lugar.

Klinaro ni Castricion­es, gayunman, na hindi

isinusulon­g ng DAR ang karahasan upang resolbahin ang mga away sa lupa.

Lagi umanong isinusulon­g DAR ang mapayapang resolusyon ng mga away sa lupa sa pagitan ng mga mayari nito at mga magsasaka.

Aniya pa, itinataguy­od din ng DAR ang mga dayalogo at mediation meeting upang mapayapang mapag-usapan ang mga gusot.

Nakapag-aalinlanga­n pa rin ang mga detalye ng massacre, ayon naman kay DAR Undersecre­tary David Erro.

“As of now, there’s still nothing specific,” sabi niya.

Samantala, inihayag naman ni Castricion­es na ipagpapatu­loy ng DAR ang pagbibigay ng lupain sa mga agrarian reform beneficiar­ies (ARBs).

Magbibigay din ang DAR ang training, farm inputs at iba pang uri ng suporta para sa ARBs upang kalaunan ay matulungan silang makaahon sa kahirapan.

Sa pinakabago­ng datos na ipinakita ng DAR, nakapamaha­gi na ito ng tinatayang 4.8 milyong ektarya ng lupa sa may 2.8 milyong ARBs sa buong bansa simula 1972 hanggang Hunyo 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines