Balita

Pinoy at Korean acts, tampok sa 27th PH-Korea Cultural Exchange Festival

- Ni JONATHAN HICAP

GAGANAPIN ang 27th Philippine­s-Korea Cultural Exchange Festival sa Oktubre 27 sa Aliw Theater sa Pasay City upang ipagdiwang ang pagkakaibi­gan ng dalawang bansa.

May temang “Hand In Hand”, layunin ng festival na mapalago pa ang cultural exchange sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

May dalawang bahagi ang festival. Mapapanood sa taunang talent competitio­n ang mga Pinoy at mga Korean finalist na magtatangh­al in Korean at Filipino.

Ang pagtatangh­al ng tradisyuna­l na sayaw at awit ng mga delegado ng Korea at Pilipinas ang magiging highlight ng Phils-Korea Concert, ang pangalawan­g bahagi ng programa. Itatanghal ng Korea National Gugak

Center ang traditiona­l Korean instrument­s at traditiona­l Korean folk dance na Seungmu at kantang Arirang.

Magiging kinatawan naman ng Pilipinas ang Bayanihan, ang national folk dance company ng bansa, at itatanghal nila ang mga traditiona­l Filipino folk dances.

Ang iba pang mga performanc­e ay ang traditiona­l Korean drum number ng

Buk Chum-Drum Dancing Team mula sa Cainta, Sejong Hakdang at opera singer “Bless.” Magpapasik­lab din sa event ang ShowBT’s upcoming Filipino K-pop

idol group na SB19 at ang K-pop idol na BNF.

Magkakaroo­n din ng pagkakatao­n ang mga dadalo sa event na maranasan ang Korean cultural activities, product booths, at mga Korean food stall.

Magaganap ang 27th Philippine­sKorea Cultural Exchange Festival mula 10:00 ng umaga hanggang 7:00 gabi at ito ang isinakatup­aran ng United Korean Community Associatio­n (UKCA), Embassy of the Republic of Korea in the Philippine­s at Korean Cultural Center in the Philippine­s (KCC) katuwang ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Ang admission ay libre on a first-come, first-served basis.

 ??  ?? Bayanihan National Gugak Center
Bayanihan National Gugak Center

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines