Balita

Binatilyo nasabugan ng vape

- Fer Taboy

Lagas ang ngipin, sugatan ang mata at namamaga ang bibig ng isang binatilyo matapos na sumabog ang ginagamit nitong vape sa Quezon City, iniulat kahapon.

Isinugod sa East Avanue Medical Center si Jeffrey Sardea, 17.

“Pagkakita ko sa anak ko, umiyak ako kasi hindi maganda ang lagay ng anak ko,” lahad ni Grace Sardea, ina ni Jeffrey.

Ayon kay Grace, binilhan niya ng secondhand vape ang kanyang anak nitong Lunes.

Nagamit pa umano ni Jeffrey ang vape ng ilang araw, ngunit pumalya ang baterya kaya sinauli niya sa online shop.

Nakipagkit­a umano ang biktima sa ka-swap ng baterya at biglang sumabog ang vape nang i-testing.

“Hindi match ang battery na ‘yun dun sa vape na ‘yun,” ani Grace.

Kaugnay nito, nanawagan si Grace sa ka-swap ng kanyang anak na makipag-ugnayan sa kanya para panagutan ang nangyari kay Jeffrey.

Magsasampa ng kaso ang ina laban sa ka-swap ng biktima sakaling hindi ito makipagkit­a.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines