Balita

Ina, 4 anak patay sa sunog

- Ni BONITA L. ERMAC

"If only I was there, I could have help them," ito ang maluha-luhang na pahayag ni Allan Baricuatro nang mabalitaan na nasawi ang kanyang misis at apat na anak nang masunog ang kanilang lugar sa Purok 4, Zone 2, Fuentes, Barangay Maria Cristina, Iligan City, Lanao del Norte, kamakailan.

Aniya, mag-isa na lamang siya sa buhay matapos ang sinapit ng kanyang pamilya.

Kahapon, nagtungo sa Maynila si Baricuatro, 46, upang sumailalim sa medical examinatio­n bago ito bumalik sa kanyang trabaho sa ibayong-dagat ngayong buwan.

Sinabi niya na ngayong araw sana ang kanyang pre-departure orientatio­n seminar (PDOS), ngunit hindi ito natuloy dahil sa insidente.

"Maybe I could have acted upon and would be able to help them," aniya.

Bukod sa asawang si Lilibeth Baricuatro, 31, nasawi rin ang mga anak nito na sina Frances Bernard, 15; Jathan Alan, 10; Nathaniel, 7; at Xander Ram 7.

Magkakahiw­alay ang bangkay ng mga ito nang nadiskubre sa banyo at kuwarto ng kanilang bahay, nitong Martes.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang apoy sa ibang bahagi ng bahay ng isang Jocelyn Alcover, na inookupaha­n ng mag-iina.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines