Balita

Binatilyo tiklo sa marijuana sa sementeryo

- Erma Edera at Mary Ann Santiago

Sa kabila ng mga paalala ng awtoridad at cemetery administra­tors sa publiko na huwag magdala ng mga ipinagbaba­wal sa sementeryo, isang 16-anyos na lalaki ang inaresto dahil umano sa pagbibitbi­t ng marijuana sa Manila North Cemetery, nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, itinago ng binatilyo ang dalawang pakete ng marijuana sa kanyang kilikili at pantaloon habang papasok sa naturang sementeryo, dakong 4:30 ng madaling araw.

Gayunman, ipinagpili­tan ng suspek na ang drogang nakuha sa kanya ay personal at hindi ibinibenta.

Iti-turn over ang suspek sa Department of Social Welfare and Developmen­t, ani Eleazar.

Mahigpit na ipinagbaba­wal ang pagdadala sa sementeryo ng baril at nakamamata­y na armas; matatalim na bagay gaya ng kutsilyo, screwdrive­rs, ice picks; alagang hayop; sound systems; at flammable materials gaya ng lighters, thinner, alcohol, at gas.

Pagsunog ng basura, pag-inom ng alak at sugal ay bawal din sa sementeryo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines