Balita

Drug suspect bulagta sa ‘panlalaban’

- Mary Ann Santiago

Humabol sa Undas ang isang drug suspect matapos na mapatay ng mga pulis nang manlaban umano sa buybust operation sa Binondo, Maynila kahapon ng madaling araw. Naisugod pa sa Mother and Child Hospital ang suspek na si Michael Bato, tinatayang nasa edad 35, residente ng Parola Street, Binondo, ngunit binawian rin ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), Meisic Police Station (PS-11), nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Team (SDET), sa pangunguna ni Police Chief Insp. Rommel Salazar, laban sa suspek sa Muelle De Banco Nacional, sa Binondo, dakong 1:15 ng madaling araw.

Habang inaaresto ay nanlaban umano si Bato kaya napatay ng mga pulis.

Narekober sa suspek ang isang .9mm revolver na may mga bala, at 19 na pakete ng umano’y shabu, at P500 buy-bust money.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines