Balita

Mag-ama, 3 parokyano dinampot sa buy-bust

- Mary Ann Santiago

Arestado ang mag-ama makaraang bentahan ng ilegal na droga ang mga undercover cop sa Barangay Parang, Marikina City, kahapon ng madaling araw. Dinakip din ang tatlong parokyano ng mga ito.

Inaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) ng Marikina City Police, na pinamumunu­an ni Police Insp. Greco Gonzales, sina Christophe­r Dioquino, alyas Tupe, 21; at Roberto Dioquino, alyas Kuya Boy, 59; at kanilang mga parokyano na sina Jose Archimedes Petilla, 54; Roberto Bedural, 29; at John Lenon Fabon, 22.

Sa ulat ng Eastern Police District (EPD), inaresto ang mga suspek sa 138 P. Paterno Street, sa Bgy. Parang, dakong 12:30 ng madaling araw.

Una rito, Oktubre 30, isang impormante ang lumapit sa himpilan ng SDEU upang ireport ang bentahan ng ilegal na droga sa kanilang lugar, na kinasasang­kutan ng isang alyas Tupe.

Dahil sa nakalap na impormasyo­n, nagkasa ang SDEU ng buy-bust operation laban sa mga suspek.

Agad na dinamba ang mga suspek nang magpositib­o ang transaksiy­on. Hindi rin nakaligtas ang kanilang mga parokyano.

Narekober sa mga suspek ang walong pakete ng hinihinala­ng shabu, na nagkakahal­aga ng P10,000; P500 buy-bust money; P900 cash at isang coin purse.

Kasalukuya­ng nakapiit ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines