Balita

Black box ng Lion Air jet nakita na

-

JAKARTA (Reuters) – Natagpuan na ng Indonesian divers ang black box mula sa Lion Air jet na bumulusok sa dagat nitong linggo sakay ang 189 katao at dinala ito pabalik sa naghihinta­y na barko, sinabi ng isa sa divers kahapon.

“We dug and we got the black box,” mula sa debris sa putik sa ilalim ng dagat, inilahad ng diver na nagpakilal­ang si Hendra, sa Metro TV sakay ng Baruna Jaya vessel.

Kulay orange ang black box at buo ito nang makita, aniya, hindi binanggit kung ito ay ang flight data recorder o ang cockpit voice recorder.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines