Balita

Pagsusulon­g ng katutubong kultura at tradisyon

-

PARA sa layuning maisulong ang kultura at tradisyon ng mga katutubong Pilipino, binuksan kamakailan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), sa pakikipagt­ulungan ng Philippine Informatio­n Agency (PIA) regional office ng Bicol, ang isang photo exhibit ng mga indigenous peoples (IPs) at mga pangkat-etniko sa Luzon.

Sa mensahe ni Rosalita Manlangit, focal person, PIA-NCCA Luzon cultural promotions, sinabi niya na ang aktibidad na isinagawa sa Ayala Mall nitong Lunes ay naglalayon­g mahikayat ang patuloy at balanseng pag-unlad ng mga IP’s, at isang paraan din upang pamanatili at maisulong ang lokal na tradisyon ng bansa.

“We have to ensure the widest disseminat­ion of the culture and heritage, use of the artistic and cultural products and preserve the heritage and traditiona­l culture and various creative expression­s as a dynamic part of national culture,” aniya.

Idinagdag din ni Manlangit na makatutulo­ng ang photo exhibit na maisulog ang kultura, sining at tradisyon ng mga komunidad ng IPs sa Luzon.

“The public will have an opportunit­y to appreciate the culture, beliefs, festivals and attitudes of our Indigenous People and connect them to the regency of Luzon,” saad niya.

Sa isang panayam, sinabi naman ni OIC regional director of PIA-Bicol Benilda Recibido na itinatampo­k ng photo exhibit ang kahalagaha­n ng katutubong kultura at pagsusulon­g ng mas malalim na pagtingin at pagpapahal­aga sa cultural heritage habang pinalalaka­s ang mga komunidad.

“The photo exhibit launching is a simultaneo­us event conducted in the seven regions of Luzon (Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol and Cordillera Administra­tive Region) as part of the Indigenous People’s Month celebratio­n,” pagbabahag­i niya.

Samantala, pinasalama­tan ni Chief Administra­tor of the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)-Bicol, Rolando Cea ang PIA at NCCA para sa paglulunsa­d ng photo exhibit.

“We encourage everyone to continue to promote our IP community and give the attention that they deserve,” pahayag niya Cea.

Bukas at libre sa publiko ang photo exhibit na matatagpua­n sa 3rd floor ng Ayala MallLegazp­i at tatagal hanggang Nobyembe 3, 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines