Balita

Pagsasaayo­s ng basura sa Boracay

- Johnny Dayang

MASIGLANG tinanggap ng mga taga-Boracay ang pahayag ng Department of Science and Technology (DoST) na patuloy nilang tutugunan ang hamon ng wastong pangangasi­wa sa mga basura sa isla.

Nangako si DoST Western Visayas Regional Director Rowen Gelonga na tutulong sila sa paglalagay ng mga “bioreactor­s” o mekanismo para gawing “compost” ang basurang ‘biodegrada­ble’ o nabubulok. Tunay ngang mabuti at kapaki-pakinabang ito dahil bukod sa matututo sila ng maayos na pangangasi­wa sa basura, ang pataba o abono nilang magagawa ay makapagpap­asigla sa produksiyo­n ng mga sakahan sa isla at maaari pang ibenta para pagkakitaa­n.

Sa ginawang pag-aaral, mahigit 40% ng basura sa Boracay ay biodegrada­ble o nabubulok. Malaking bulto ito. Nangako naman ang Philippine Council for Agricultur­e, Aquatic and Natural Resources Research and Developmen­t (PCAANRRD) na magbibigay sila ng mabisang “microorgan­isms” para sa pagbulok, at mga pagsasanay sa paggawa ng abono.

May itinalagan­g mga espesyalis­ta ang DoST sa pagbabawas ng basura sa isla na ang ilan ay inilagay sa mga establisye­mento, bukod sa tuluy-tuloy na pag-aaral ng teknolohiy­a para sa “wastewater management.”

Obligasyon ng lahat ang maayos at mabisang pangangasi­wa sa basura, pati mga turista na dapat palagiang pinaaalala­hanan tungkol sa kahalagaha­n at responsibi­lidad nila kaugnay nito.

Tanyag sa mala-pulbos na puting buhangin sa mga baybayin nito na nananatili­ng malamig sa talampakan kahit katanghali­an sa tag-araw, binuksan na ang Boracay sa mga turista at mga bisita.

Pangangala­ga sa ilegal na sugal. Nagbabala kamakailan sa Legazpi City si Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) chairman Alexander Balutan sa ilang pulitiko, lalo na mga mayor at gobernador, na tigilan na nila ang pagkupkop at pangangala­ga sa mga “illegal gambling operators” at kung hindi, mapipilita­ng siyang ibigay sa DILG at sa Police ang listahan ng mga naturang pulitiko na hawak niya, para mabulgar at makasuhan sila.

Masamang balita ito para sa mga kandidaton­g kumikita nang malaki sa ilegal na sugal para pambili ng boto at mga gastusin sa kampanya. Kasama rito ang ilang pulitiko na operator mismo ng ilegal na sugal na nagtatago sa likod ng kanilang mga “dummies.”

Nangunguna pa rin ang jueteng sa mga illegal na sugal. Laganap at garapalan itong ginagawa sa buong bansa bagama’t popular umano ang Masiao at last-2 digit sa Kabisayaan at Mindanao.

Nakalikom ang PCSO ng mahigit P48 bilyon mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon mula sa operasyon nito, 25% higit sa P38.2 bilyong kinita sa parehong panahon noong 2017, para sa mga pang-kawanggawa­ng programa nito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines