Balita

Kamandag

Ika-77 labas

- R.V. VILLANUEVA

NANG dumating si Fermin sa kanila, may kotseng nakaharang sa tapat ng kanilang gate. Nasiraan yata ang sasakyan na hindi akalain ni Fermin na ang driver ay ang babaeng pinananabi­kan niyang makita.

Mula sa kanyang bulsa, inilabas ni Fermin ang kanyang munting flashlight. Hindi siya nawawalan ng mga ganoong gamit na pang-emergency. Tinanlawan niya ang makina ng sasakyan.

Natigilan si Fermin. Marami-rami na rin siyang nakikitang iba’t ibang modelo at klase ng makina ng kotse pero wala yatang kauri ang kotseng ito ng babae.

Tatanungin na lang ni Fermin ang babae nang tamaan ng lente niya ang nakamarka sa katawan ng makina: MODEL 1910! May karugtong pang nakasulat pero hindi na mabasa ni Fermin.

“Nangkupo! Model 1910!” Pabulong ni Fermin na alangang sa babae o sa kanyang sarili.

“Yun nga,” sabi ng babae, kaswal. “Bagung-bago at kabibili ko lang, nagloko na!”

Muntik nang malunok ni Fermin ang kanyang dila. Year 2018 na. Mahigit isang daan at walong taon nang modelo, bagong bili pa?

Gusto niyang magtanong pero aywan niya kung bakit hindi niya

nagawa.

“Matutulung­an mo kaya ako? Sino ka nga pala, Senyor?

“Ako si Nenamia. Nena o Mia kung ano ang mas gusto mo?”

“Nen… a, Mia na lang.” Ang hindi niya sinabi: Kung Nena, ano ang kaibahan sa asawa ko?

“Ano nga palang tulong ang kailangan mo, Mia?”

“Puwede kayang ihatid mo ako, Fermin?”

“Yon lang pala.” Aywan kung bakit kay saya ng pakiramdam ni Fermin.

“Saan nga pala kita ihahatid, Mia?”

“Malapit lang dito sa sasakyan ko, Mia.”

“Ang gusto ko sana’y mahatak din sa amin ang sasakyan ko, Fermin.”

“Hum, puwede naman siguro kitang hatakin, Mia. Teka’t kukuha ako ng panali.

Mahaba at malaki ang kotse ni Nenamia. Parang hindi naman kotse.

Parang mahabang kalesa sa mababa at malalaking gulong. Ang kaibahan sa kalesa ay closed ito at makina ang nagpapatak­bo.

Iniisip ni Fermin kung saan siya nakakita ng ganoong sasakyan.

Biglang kumikislap sa utak ni Fermin ang napanood niyang isang napakaluma nang pelikulang ang tema ng panahon ay 18th century. Ganoon ang kotse ng isang reyna.

Huwag mo nang problemahi­n ang panghatak,” sabi ni Nenamia na bumulabog sa pag-iisip ni Fermin. “Meron ako rito.”

Mabilis na nakuha ni Nenamia ang isang malaki, may kahabaang tanikalang bakal na may nakalawit sa dulo. Na para bang sadyang inihanda sa ganoong pagkakatao­n.

Si Fermin ang nag-iisip ngayon. Makaya kaya niyang hatakin ang sasakyan ni Mia. Siya rin ang sumagot sa sariling tanong—kaya niya. Kayangkaya. Hindi na niya palalagpas­in ang magandang pagkakatao­ng magkalapit sila ng babaeng ito!

Aaa, kasalanan niya ito kay Nena. Ipokrito siya kung hindi niya aaminin sa mga sandaling ito ay alipin na siya ng matinding pagnanasa.

Sasabihin sana niya kay Nenamia na sa kanya na ito umangkas pero nagulat pa siyang nakasakay na ito sa dyip niya.

Sabi ng babae: “Mahahatak na natin ang sasakyan ko nang walang nagmamaneh­o. May sarili akong paraan.”

Ngayong nasa loob na ito ng kanyang dyip, nabisto ang tunay na ganda nito. A, kay ganda talaga ng babaeng ito.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines