Balita

R100K marijuana, nasabat

- Fer Taboy

Nasabat ng mga pulis ang aabot sa P100,000 halaga ng umano’y marijuana nang tangkain itong ipuslit sa sementeryo sa Iriga City, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Iriga City Police Office, natagpuan ang droga sa loob ng isang bag, na iniwan malapit sa tambakan ng basura sa Barangay San Juan sa nasabing lungsod.

Ayon kay Supt. Chito Oyardo, hepe ng Iriga City police, isang concerned citizen ang nag-report sa kanila na may abandonado­ng bag sa lugar.

Dahil sa pag-aakalang pampasabog ang laman nito, niresponde­han ito ng mga bomb expert ngunit matapos halughugin, nadiskubre nilang naglalaman ito ng mga pinatuyong dahon ng marijuana.

May hinala naman ang awtoridad na maaaring ibebenta ang naturang droga sa sementeryo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines