Balita

Jeep sumalpok sa bato, 17 sugatan

- Fer Taboy

Sugatan ang 17 katao matapos na sumalpok sa isang malaking bato ang sinasakyan nilang jeep sa Gingoog, Misamis Oriental, kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa ospital ang mga nasugatan na pawang guro at estudyante ng St. Isidore School of Medina.

Inaalam pa ang pagkakakil­anlan ng mga biktima.

Sa ulat, naganap ang aksidente sa Gingoog-Claveria Road, nitong Miyerkules ng gabi. Sa kanyang pahayag sa pulisya, aminado ang driver ng jeep na si Viggy Arche Abecia na nawalan ng preno ang sasakyan kaya nagpasya siyang ibangga na lang ito sa bato.

Aniya, kagagaling nila sa Archbishop Cup sa Claveria nang maganap ang aksidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines