Balita

'Adik' huli sa drug bust

- Leandro Alborote

PANIQUI, Tarlac - Isang umanong drug addict ang nasakote ng pulisya nang bentahan nito ng ilegal na droga ang pulis sa Barangay Acocolao, Paniqui, Tarlac, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Carlos Victor Joshua Baltazar, 19, binata, ng Legazpi Street, Bgy. Poblacion Sur, Paniqui.

Nasamsam sa kanya ang isang pakete na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana. Matagal nang nag-o-operate si Baltazar sa kanilang lugar at sa karatig pang bayan, ayon sa pulisya.

Bukod sa droga, nasamsam din sa kanya ang mga drug parapherna­lia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines