Balita

Wendell, nilibot ang lahat ng TV networks

- Ni REMY UMEREZ

SA loob ng napakahaba­ng panahon ay hinawakan ni Douglas Quijano ang showbiz career ni Wendell

Ramos. Sa pagyao ng iginagalan­g na talent manager, na nagpasikat din kay Richard Gomez, ay nawalan ng direksiyon ang career ni Wendell, a case of “now you see him, now you don’t”.

Kaya naman kalaunan ay nagdecide na si Wendell na magpadala ng feeler sa GMA na available na siyang magtrabaho. Hindi naman binigo ng GMA ang aktor at kaagad isinama sa cast ng Onanay.

Kuwento ni Wendell, naikot na niya ang halos lahat ng TV network sa buong panahon ng kanyang career.

“Parang gulong lang ‘yan, umiikot din ang mga artista,” sabi ni Wendell.

“I put everything in order, at lagi akong namamaalam nang maayos sa kanila (network bosses). Pinapanati­li kong laging bukas ang communicat­ion sa lahat.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines