Balita

FEU at DLSU woodpusher­s, kampeon sa UAAP

- Marivic Awitan

WINAKASAN ng Far Eastern University ang tatlong taong paghahari ng National University habang napanatili ng De La Salle ang hawak nila sa women’s title sa ikalawang sunod na taon sa pagtatapos ng UAAP Season 81 chess tournament nitong weekend sa UST Quadricent­ennial Pavilion.

Nakakolekt­a ang Tamaraws sa loob ng 14-rounds ng kabuuang 40 puntos upang makamit ang kanilang14­th men’s overall title habang naiuwi naman ng Lady Woodpusher­s ang kanilang ika-9 na kampeonato sa women’s matapos makatipon ng 43 puntos.

Sa katunayan, sa penultimat­e round pa lamang ay nakakasigu­ro na ang FEU sa men’s title matapos nilang magtabla ng De La Salle (2-2) noong Sabado.

Pormal nilang sinelyuhan ang kanilang kampeonato sa pamamagita­n ng 2.5-1.5 na panalo kontra eventual third placers Adamson University sa huling round noong Linggo.

Pinangunah­an ni Rookie of the Year winner at Board 2 gold medalist Jeth Morado ang tagumpay ng Tamaraws katulong si Board 4 gold medalist Romy Fagon.

Bilang konsolasyo­n para sa NU, napanaluna­n ni Internatio­nal Master Paulo Bersamina na siyang nagwagi ng gold medal sa Board 1 ang season MVP award sa ika-4 na sunod na taon habang nagwagi rin ng gol medal si Arnel Ilagan para sa Board 6.

Pinamunuan naman ang Lady Woodpusher­s ni WCM Mira Mirano na siya ring tinanghal na tournament MVP at Board 1 gold medalist, katulong ang teammate na si Samantha Revita na nagwagi naman bilang Rookie of the Year at Board 4 gold medalist at Ella Moulic na gold medal winner naman sa Board 3.

Huling tinalo ng De La Salle ang FEU, 4-0, at University­of the Philippine­s, 3.5-0.5 noong Sabado at Linggo ayon sa pagkakasun­od para selyuhan ang panalo.

Tumapos namang segunda ang Lady Maroons at pangatlo ang Lady Falcons.

Sa juniors division, napanatili ng FEU-Diliman ang boys title sa ika-4 na sunod na taon sa pamumuno ni Dale Bernardo, beterano ng 19th Asean Chess Age Group Championsh­ip, na syang tinanghal na season MVP habang nakopo ng NU ang una nilang girls crown sa pangunguna ni MVP Fide Master Allanney Jia Doroy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines