Balita

ASTIG PA!

D-Rose, kumubra ng 50 puntos; Warriors, Lakers, nakaungos

-

MINNEAPOLI­S (AP) – Sa mga nagsasabin­g laos na si Derrick Rose, may pagkakatao­ng pang magbago ang inyong panananaw.

Mistulang nasa kanyang kabataan ang one-time MVP sa naisalansa­n na career-high 50 puntos para sandigan ang Minnesota Timberwolv­es kontra sa Utah Jazz, 128-125, nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

Mangiyak-ngiyak si Rose habang nililisan ang court sa saliw ng hiyawang MVP, MVP, MVP mula sa crowd. Mistulang nasa ‘twilight zone’ na ang career ng 30-anyos at dating Chicago Bulls star bunsod nang iba’t ibang injury matapos mapagwagih­an ang MVP awards a noong 2011.

Naitumpok niya ang 34 puntos sa second half at humataw ng 15 puntos sa final period para maisalba ng Wolves ang matikas na ratsada ng Jazz. Nailagay niya sa ligtas na katayuan ang Wolves nang maibuslo ang pahirapang tira may 30 segundo ang nalalabi at sinundan ng dalawang free throw sa huling 13.8 segundo.

Matibay na depensa ang inilatag ng Wolves, sapat para mapasablay ang tira ni Rudy Gobert sa krusyal na sandali

Naglaro bilang starter sa unang pagkakatao­n ngayong season, nailista ni Rose ang 19 puntos sa third quarter para maibigay ang limang puntos na bentahe sa Wolves. Kumubra si Karl-Anthony Towns ng 28 puntos sa naturang period.

Nanguna si Donovan Mitchell sa Jazz sa naiskor na 26 puntos, habang kumana si Gobert ng 22 at umiskor si Jae Crowder ng 18 puntos.

Sumabak ang Minnesota na wala sina All-Star Jimmy Butler, at point guards Jeff Teague at Tyus Jones bunsod ng injury. WARRIORS 131, PELICANS 121

Sa Oakland, California — Naitala ni Stephen Curry ang 37 puntos – ikaanim na 30 plus points ngayong season -- sa magaan na panalo ng Golden State Warriors kontra New Orleans Pelicans para sa ikaanim na sunod na panalo.

Naisalpak ni Curry ang pitong threepoint­er at may siyam na assists, habang kumana si Kevin Durant ng 24 puntos at walong assists, at kumubra si Draymond Green ng 16 puntos, 15 assists.

Nanguna si Anthony Davis, nagbalik laro matapos ang dalawang larong pagliban bunsod ng injury sa kanang siko, sa naiskor na 17 puntos , 12 rebounds at pitong assists.

Nag-ambag si Klay Thompson ng 18 puntos, kabilang ang isang three-pointer. Laban sa Chicago Bulls nitong Martes, naitala niya ag NBA record na 14 threepoint­er para sa kabuuang 52 puntos.

LAKERS 114, MAVS 113

Sa Los Angeles, naisalpak ni LeBron James ang 29 puntos, tampok ang isang free-throw may 2.1 segundo ang nalalabi para maisalba ang Lakers kontra Dallas Mavericks.

Tangan ng Lakers ang 111-98 bentahe may 3:42 sa laro nang magbaba ang Mavericks ng 15-2 run, tampok ang jumper ni Luca Doncic para maitabla ang iskor sa 113-all.

Sa sumunod na play, nakakuha ng foul si James mula kay Wesley Matthews para sa charity shooting. Mintis ang unang tira ni James bago naisalpak ang pressured-packed second free para maitakas ang Lakers (3-5) at putulin ang two-game skid.

Nag-ambag si JaVale McGee ng 16 puntos at 15 rebounds, habang kumana si Kyle Kuzma ng 18 punto sa Lakers.

Sa iba pang mga laro, pinadilim ng San Antonio Spurs, sa pangunguna ni DeMar DeRozan na may 25 puntos, ang Phoenix Suns, 120-90, ginapi ng Denver Buggets ang Chicago Bulls, 108-107, sa overtime; habang pinadapa ng Indiana Pacers ang New York Knicks, 107-101.

 ??  ?? HALOS nakahiga na sa ere si Derrick Rose para makaiskor sa depensa ng Utah Jazz. AP
HALOS nakahiga na sa ere si Derrick Rose para makaiskor sa depensa ng Utah Jazz. AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines